> For the complete documentation index, see [llms.txt](https://dcyf.gitbook.io/cmshandbook/llms.txt). Markdown versions of documentation pages are available by appending `.md` to page URLs; this page is available as [Markdown](https://dcyf.gitbook.io/cmshandbook/appendix/appendix-a-dcyf-sfusd-consent-form/appendix-a-dcyf-sfusd-consent-form-tagalog.md).

# Appendix A: DCYF/SFUSD Consent Form (Tagalog)

{% hint style="warning" icon="file-pdf" %}
Access a PDF version of this appendix in the CMS Resources page.
{% endhint %}

**Awtorisasyon para Ilabas ang Kumpidensyal na Impormasyon tungkol sa Estudyante**

**Pangalan ng Ahensya: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_**

**Pangalan ng Kalahok:**\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Petsa ng Kapanganakan:** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_

Pinopondohan ng San Francisco Department of Children, Youth and Their Families (DCYF, Kagawaran ng San Francisco para sa mga Bata, Kabataan at Kanilang mga Pamilya) ang aming ahensya at mga serbisyong aming ipinagkakaloob. Upang matugunan ang mga iniaatas ng pagpopondong ito, nagbabahagi kami ng impormasyon tungkol sa mga kalahok sa aming mga serbisyo sa DCYF. Ang DCYF at ang San Francisco Unified School District (SFUSD, Nagkakaisang Distrito ng Paaralan ng San Francisco) ay nagpapanatili ng magkasamang ginagamit at ligtas na database para irekord ang impormasyon tungkol sa mga serbisyong ipinagkakaloob sa mga kabataan ng San Francisco sa pamamagitan ng mga ginawaran ng DCYF upang mapabilis ang pakikipag-ugnayan at pag-enrol at subaybayan ang paggamit at epekto ng programa. Bilang ginawaran ng DCYF, ang aming ahensya ay may access sa magkasamang ginagamit na database upang kapwa makita at iulat ang data tungkol sa kabataang aming pinaglilingkuran. Ang data na aming iniuulat sa DCYF ay ibinabahagi rin sa SFUSD.

Sa pamamagitan ng pagpirma sa form na ito, inaawtorisahan ninyo

1. Ang aming ahensyang ibahagi ang impormasyon tungkol sa pakikibahagi ng inyong anak sa aming programa (o sa inyong pakikibahagi kung kayo ay nasa edad na 18 taong gulang o mas matanda pa) sa awtorisadong tauhan sa DCYF at SFUSD para sa mga layuning inilalarawan sa itaas. Kabilang sa impormasyong iniuulat ng aming ahensya sa DCYF ang:

* Personal na impormasyon, gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan, at address;
* Impormasyong pandemograpiya, gaya ng lahi/etnisidad at pagkakakilanlan ng kasarian;
* Impormasyon sa Edukasyon, gaya ng pangalan ng paaralan at baitang;
* Pakikibahagi sa mga aktibidad at serbisyo, gaya ng mga petsa ng pagpasok at mga oras na pinasukan; at
* Mga survey sa karanasan ng kabataan na hindi isinisiwalat ang pagkakakilanlan at kusang-loob na sinasagutan.

2. Ang SFUSD na ibahagi ang ilang impormasyon tungkol sa inyong anak (o sa inyo, kung kayo ay nasa edad na 18 taong gulang o mas matanda pa) sa awtorisadong tauhan mula sa aming programa bilang ginawaran ng DCYF. Kabilang sa impormasyong iniuulat ng SFUSD sa DCYF ang:

* Personal na impormasyon, gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan, at address;
* Impormasyon sa Edukasyon, gaya ng pangalan ng paaralan at baitang; at
* Mga petsa ng pagpasok sa SFUSD o sa paaralan ng SFUSD.

Hindi iuulat sa publiko ng DCYF, SFUSD, o ng aming ahensya ang anumang impormasyong aming ipinagkakaloob sa paraang magagamit para matukoy ang inyong anak (o kayo, kung kayo ay nasa edad na 18 taong gulang o mas matanda pa).

**Mga Restriksyon:** Ang lahat ng impormasyong aming ipinagkakaloob o ina-access na nauugnay sa isang estudyante ng SFUSD ay pinoprotektahan ng mga pederal na batas at batas ng estado na namamahala sa paggamit, pagsisiwalat at muling pagsisiwalat ng mga rekord sa pag-aaral ng estudyante. Ang mga partidong bukod sa DCYF, SFUSD at ang aming ahensya ay hindi magkakaroon ng access sa anumang impormasyong matutukoy ang pagkakakilanlan na iniuulat sa database, maliban kung sa abot na nakakuha ang mga partido ng paunang nakasulat na awtorisasyon mula sa inyo o sumunod sa mga patakaran at pamamaraan ng SFUSD para makakuha ng access sa naturang impormasyon.

**Pagkawala ng bisa:** Ang awtorisasyong ito ay mawawalan ng bisa sa Hunyo 30, 2029.

\*\*Ang Inyong mga Karapatan:\*\*Maaari ninyong tanggihan ang pagpirma sa form na ito: Maaari ninyo itong kanselahin sa anumang oras sa pamamagitan ng pagpapaalam sa aming ahensya sa paraang nakasulat. Kung kakanselahin ninyo ang inyong permisong nagpapahintulot sa aming ilabas ang impormasyon sa DCYF at SFUSD, at SFUSD sa aming ahensya, agad itong magkakabisa, maliban kung nailabas na ang impormasyon. May karapatan kayong tumanggap ng kopya ng form na ito.

**Ang Inyong Pangalan:**\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_

**Kaugnayan sa Kalahok:** 🞎 Magulang 🞎 Legal na Tagapag-alaga 🞎 Kalahok na 18 taong gulang o mas matanda pa

**Pirma:**\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Petsa:**\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_
